Nagpulong sina OPAPRU Sec. Mel Senen Sarmiento at MILFMohagher M. Iqbal noong Abril 28 upang paigtingin ang implementasyon ng Bangsamoro peace process, partikular ang Normalization Program sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Sa nasabing pulong, tinalakay ng dalawang panig ang mga konkretong hakbang upang mapabilis at mapahusay ang pagpapatupad ng normalization efforts. Kinilala rin nila ang mga hamon at oportunidad na kinahaharap ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front, kasabay ng pangakong palalakasin ang koordinasyon at pagtutulungan upang matugunan ang mga ito.
Binigyang-diin ni Iqbal ang kahalagahan ng mutual respect, patuloy na diyalogo, at kooperasyon bilang pundasyon ng pagtupad sa mga probisyon ng kasunduan. Samantala, sinabi ni Sarmiento na malaki na ang naging progreso ng peace process, lalo na sa pagpapabuti ng kalagayang pangkabuhayan ng mga dating combatants, kanilang pamilya, at komunidad.
Iginiit din ng peace adviser ang pangangailangan ng aktibong partisipasyon ng mamamayan, partikular sa mga gawaing pang-ekonomiya at pangkaunlaran, upang makamit ang isang mas inklusibo at mapayapang lipunan. Aniya, ang responsableng mamamayan ay susi sa isang progresibong bansa, alinsunod sa diwa ng “Bagong Pilipinas.”
Sa huli, parehong binigyang-diin ng dalawang panig na ang pagpapanatili ng kapayapaan ay kolektibong responsibilidad—isang tungkuling dapat isabuhay ng pamahalaan at ng mamamayan upang makamit ang pangmatagalang kaunlaran sa Bangsamoro.








Views Today : 42
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 992
Views Last 30 days : 3712
Views This Month : 795
Views This Year : 23374
Total views : 35509
Leave a Reply