𝟏,𝟓𝟎𝟎 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐒 𝐍𝐀𝐓𝐔𝐋𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍—𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎 𝐃𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐔𝐏𝐈!

Nagdulot ng malawakang serbisyo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa mahigit 1,500 residente ng Barangay Itaw, South Upi noong Abril 30, 2026, sa pamamagitan ng isang medical at social outreach mission.

Ang aktibidad ay isinakatuparan sa pangunguna nina Governor Datu Ali “Datu sa Talayan” Midtimbang, Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando, at Congressman Esmael Mangudadatu, katuwang ang Sangguniang Panlalawigan at mga opisyal ng South Upi sa pangunguna ni Vice Mayor Reynalbert O. Insular.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang libreng medical check-up, gamot, dental extraction (libreng bunot), at circumcision (libreng tuli). Namahagi rin ng sako ng bigas, tsinelas, at nagsagawa ng feeding program para sa mga residente. Nagbigay rin ng karagdagang serbisyo tulad ng libreng gupit at pamimigay ng pagkain para sa mga bata.

Ayon sa pamahalaan, ang nasabing outreach ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na maabot ang mga malalayong komunidad at matiyak na nararamdaman ng bawat mamamayan ang malasakit at serbisyo ng gobyerno.

Ipinahayag din ng mga residente ang kanilang pasasalamat sa mga serbisyong kanilang natanggap, habang tiniyak naman ng pamahalaang panlalawigan na magpapatuloy ang ganitong mga programa upang higit pang mapabuti ang kalagayan ng mga komunidad sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024561
Views Today : 43
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 993
Views Last 30 days : 3713
Views This Month : 796
Views This Year : 23375
Total views : 35510