𝐑𝐄𝐋𝐈𝐄𝐅 𝐎𝐍 𝐓𝐈𝐌𝐄—𝐌𝐒𝐒𝐃 𝐍𝐀𝐆𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐍𝐆 𝐀𝐆𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐘𝐔𝐃𝐀

Mabilis na rumesponde ang Ministry of Social Services and Development – Jolo Unit Office upang maghatid ng agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pag-ulan at malakas na hangin sa Sitio Lubbak, Barangay Asturias, Jolo

Batay sa isinagawang Emergency Shelter Assistance assessment, dalawang pamilya na may kabuuang 13 indibidwal ang naapektuhan ng insidente. Isang bahay ang tuluyang nawasak matapos matumbahan ng puno, habang ang isa ay bahagyang nasira.

Bilang agarang interbensyon, tumanggap ang bawat pamilya ng kitchen kit, hygiene kit, jerry can, at welfare goods kabilang ang 25 kilo ng bigas, mga de-latang pagkain, at instant coffee upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa kasalukuyan, pansamantalang nakikitira sa mga kapitbahay ang pamilyang nawalan ng tirahan, habang ang kabilang pamilya ay nananatili sa ligtas na bahagi ng kanilang bahay.

Ayon sa MSSD, ang naturang aksyon ay bahagi ng Emergency Relief Assistance Program na naglalayong magbigay ng mabilis at konkretong suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng sakuna sa Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024561
Views Today : 43
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 993
Views Last 30 days : 3713
Views This Month : 796
Views This Year : 23375
Total views : 35510