πŠπ€ππ€π“π€π€ππ† π‹πˆπ†π€π–π€π’π€π, π‡πˆππ”ππŽπ† 𝐒𝐀 π•πŽπ“π„π‘β€™π’ π„πƒπ”π‚π€π“πˆπŽπ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ

Aktibong lumahok ang mga kabataan ng Ligawasan sa isinagawang β€œFrom Struggle to Suffrage: A Voter Education in BARMM” noong May 3, 2026 sa Municipal Function Hall, bilang bahagi ng kampanya upang palakasin ang kamalayan sa responsableng pagboto.

Layunin ng programa na hikayatin ang mga kabataan na maging mulat, mapanindigan, at aktibong kalahok sa demokratikong proseso, sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahalagahan ng kanilang boto bilang boses ng pagbabago.

Pinangunahan ito ng Local Government Unit ng Ligawasan katuwang ang Ligawasan Youth Leaders Organization, Bangsamoro Youth Commission (BYC), at IDDMP sa ilalim ng Project LIGAW.

Sa mensahe ng Municipal Administrator Omolhayr Talembo, binigyang-diin ang mahalagang papel ng kabataan sa paghubog ng kinabukasan ng bayan. Aniya, β€œThe future of Ligawasan depends greatly on the youth,” kasabay ng panawagan sa mga kabataan na maging responsable hindi lamang sa pagboto kundi maging sa pangangalaga ng kapaligiran.

Sa isinagawang talakayan, tinalakay ang karapatan sa pagboto, kahalagahan ng informed decision-making, at ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng mabuting pamamahala.

Ayon sa mga nag-organisa, ang naturang inisyatiba ay bahagi ng mas malawak na layunin na ihanda ang bagong henerasyon ng mga botante na maging kritikal, may malasakit, at handang makilahok sa mga usaping panlipunan.

Sa kabuuan, nagsilbing plataporma ang programa upang buhayin ang diwa ng pagiging mulat at mapanindigan ng kabataang Bangsamoro patunay na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa isang boto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

024561
Views Today : 43
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 993
Views Last 30 days : 3713
Views This Month : 796
Views This Year : 23375
Total views : 35510