𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 𝐍𝐀𝐆𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐎-𝐋𝐈𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐌𝐂𝐇𝐀𝐈𝐑𝐒 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑

Matagumpay na naisagawa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang pamamahagi ng mga MBHTE-designed armchairs mula Abril 20 hanggang 30, 2026 sa ilalim ng Project Improve Quality Education in the Bangsamoro (IQBAL) sa mga paaralan ng Lanao del Sur II Schools Division.

Layunin ng programa na mapabuti ang learning environment ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maayos at komportableng kagamitan sa loob ng silid-aralan.

Kabilang sa mga benepisyaryong paaralan ang Madamba NHS, Ganasi NHS, Datu Raquib Zainudin NHS, Bacolod Calawi NHS, Kapatagan NHS, Pagayawan NHS, Tugaya NHS, at iba pang pampublikong high schools sa lalawigan.

Ayon sa MBHTE, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng ministeryo na palakasin ang kalidad ng edukasyon sa Bangsamoro sa pamamagitan ng konkretong suporta sa mga paaralan at mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024555
Views Today : 37
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 987
Views Last 30 days : 3707
Views This Month : 790
Views This Year : 23369
Total views : 35504