𝐌𝐈𝐋𝐅 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐎𝐈𝐂 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐒𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐀𝐍𝐃𝐒!

Naglabas ng Appointment Order No. 1-2026 ang Moro Islamic Liberation Front Central Committee kaugnay ng pagtatalaga ng mga bagong Officers-in-Charge (OIC) para sa ilang Base Commands ng Bangsamoro Islamic Armed Forces.

Batay sa dokumento, layunin ng hakbang na mapanatili ang operational continuity, disiplina, at epektibong command structure sa loob ng organisasyon, kasabay ng pagpapatupad ng mga polisiya at direktiba ng MILF leadership.

Kabilang sa mga itinalagang OIC ang mga mamumuno sa Base Commands 104, 105, 114, 118, 123, 124, at 128. Nakasaad din sa kautusan na agad nilang gagampanan ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Binigyang-diin sa naturang order ang pagpapatuloy ng pagsunod sa ceasefire agreement at observance ng cessation of hostilities sa pagitan ng MILF at ng Gobyerno ng Pilipinas.

Ang kautusan ay inilabas noong Abril 30, 2026 sa Camp Darapanan sa panahon ng regular na pagpupulong ng MILF Central Committee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024539
Views Today : 18
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 968
Views Last 30 days : 3688
Views This Month : 771
Views This Year : 23350
Total views : 35485