𝐆𝐎𝐕. 𝐀𝐋𝐈 𝐌𝐈𝐃𝐓𝐈𝐌𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐒𝐇𝐄𝐒 𝐈𝐍𝐂𝐋𝐔𝐒𝐈𝐕𝐄 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐅𝐎𝐑 𝐒𝐎𝐋𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐓𝐒

Matagumpay na isinagawa ng Provincial Government of Maguindanao del Sur katuwang ang Ministry of Social Services and Development ang pagdiriwang ng Solo Parents Week noong Mayo 14, 2026 sa Kalilintad Hall, Provincial Capitol sa Buluan.

Sa temang “Hindi Ka Nag-iisa sa Iyong Pag-iisa: Yakap at Kalinga para sa Solo Parents,” pinangunahan ni Datu Ali Midtimbang ang aktibidad bilang bahagi ng adbokasiya ng pamahalaang panlalawigan na “Serbisyong May Puso.”

Layunin ng programa na higit pang mapalakas ang social welfare initiatives sa pamamagitan ng inklusibo at makataong pamamahala na tumutugon sa pangangailangan ng mga solo parent at kanilang mga pamilya.

Dinaluhan ang aktibidad ng humigit-kumulang 270 kalahok mula sa iba’t ibang bayan kabilang ang Paglat, Mangudadatu, Datu Paglas, General Salipada K. Pendatun, at Buluan. Kabilang din sa mga dumalo ang mga amang solo parent na nakiisa sa pagdiriwang.

Nagbahagi si Taharodin Alamada ng impormasyon hinggil sa mga benepisyong nakapaloob sa Republic Act No. 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act, kabilang ang cash subsidy, educational assistance, parental leave, at iba pang serbisyong medikal at pangkabuhayan.

Samantala, tinalakay naman nina Shahani Mohammad at Johan Fariz Sapalon ang kahalagahan ng leadership development at financial literacy upang higit na mapalakas ang kakayahan ng mga solo parent sa pamamahala ng pamilya at kabuhayan.

Bilang bahagi ng programa, namahagi rin ng bigas, damit, at hygiene kits ang mga organizers para sa mga kalahok.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang pagdiriwang ay patunay ng patuloy na pagsusulong ng inclusive development, social protection, at pantay na oportunidad para sa mga solo parent sa Maguindanao del Su

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024536
Views Today : 9
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1039
Views Last 30 days : 3775
Views This Month : 762
Views This Year : 23341
Total views : 35476