Batay sa inilabas na Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), naitala ang malaking pagbaba ng unemployment rate sa rehiyon mula 9.2% noong 2021 patungong 3.0% noong 2024.
Sa ilalim ng pamumuno ni Forner Chief Minister Ahod Ebrahim, unti-unting bumaba ang antas ng unemployment sa rehiyon kasabay ng pagtaas ng employment rate at labor force participation sa mga nakalipas na taon.
Gayunman, ayon sa pinakahuling datos para sa 2025, bahagyang tumaas ang walang mga trabaho na umbaot sa 3.9% sa unang taon ng panunungkulan ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.
Ipinakita rin sa ulat ng PSA na bagama’t nagkaroon ng pagtaas sa unemployment rate, nananatili pa ring mataas ang employment rate ng BARMM
Ayon sa mga economic observers, mahalagang tutukan ng pamahalaang Bangsamoro ang pagpapalawak ng trabaho, livelihood opportunities, at economic development programs upang mapanatiling mababa ang unemployment rate at mapalakas pa ang ekonomiya ng rehiyon.









Views Today : 18
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1048
Views Last 30 days : 3784
Views This Month : 771
Views This Year : 23350
Total views : 35485
Leave a Reply