Sa pangunguna ni Datu Odin Sinsuat Mayor Baba Abas, matagumpay na naisagawa ang pagkakasundo sa pagitan ng Manuel Family at Edza Family noong Mayo 11, 2026 bilang bahagi ng patuloy na peace and reconciliation efforts ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat.
Ayon sa ulat, nagsimula pa noong 2016 ang alitan ng dalawang pamilya bago ito tuluyang maresolba sa pamamagitan ng mapayapang pag-uusap, pagkakaunawaan, at pagkakaisa ng magkabilang panig.
Nakiisa rin sa isinagawang dialogue at settlement ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang sina Sorab Lumanggal, Rahib Diocolano, Datu Uga Sinsuat, Ted Moinggit, at Bai Sheng Druz Ali.
Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng dayalogo, pagkakaisa, at maayos na pakikipag-ugnayan bilang mahalagang pundasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Patuloy rin umanong isinusulong ng LGU ang mga programang naglalayong palakasin ang pagkakasundo at mapanatili ang mapayapang pamumuhay ng mamamayan sa Datu Odin Sinsuat.









Views Today : 10
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1040
Views Last 30 days : 3776
Views This Month : 763
Views This Year : 23342
Total views : 35477
Leave a Reply