Personal na binisita nina Cotabato City Faidz Edzla at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang lugar ng naganap na aksidente sa Cotabato City kung saan nasugatan at naospital ang isang motorcycle rider matapos masangkot sa banggaan noong nakaraang Sabado.
Batay sa video na kumalat sa social media, tumilapon ang rider mula sa kanyang motorsiklo matapos ang insidente at nagtamo ng matinding pinsala.
Sa isinagawang inspeksyon, napag-alamang isa sa posibleng dahilan ng aksidente ay ang ongoing road construction sa lugar, kabilang ang nakakalat na construction materials at buhangin sa bahagi ng kalsadang dinaraanan ng mga sasakyan.
Agad namang nagsagawa ng koordinasyon sina Councilor Edzla kasama sina Deputy Chief Art Utto ng City Public Safety Office, mga opisyal ng Barangay Poblacion 5, at iba pang concerned personnel upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.
Nagpasalamat din si Edzla kay Ongpin Ekey sa pagtulong upang agad na makausap ang katiwala at mga manggagawa ng naturang proyekto. Nangako naman umano ang construction team na maglalagay ng kaukulang safety signages at magsasagawa ng mga hakbang para mapanatiling ligtas ang lugar para sa mga motorista at residente.








Views Today : 10
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1040
Views Last 30 days : 3776
Views This Month : 763
Views This Year : 23342
Total views : 35477
Leave a Reply