𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐄𝐓 𝐌𝐀𝐑𝐊𝐄𝐓 𝐒𝐀 𝐒𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐔𝐏𝐈, 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐒𝐓𝐑𝐔𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍

Patuloy ang konstruksyon ng bagong Wet Market sa South Upi bilang bahagi ng pagpapalawak ng mga proyektong pangkaunlaran ng Provincial Government of Maguindanao del Sur para sa iba’t ibang komunidad sa lalawigan.

Sa ilalim ng pamumuno nina Governor Datu Ali “Datu sa Talayan” Midtimbang, Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando, at Cong. Esmael Mangudadatu, layunin ng proyekto na mapalakas ang lokal na ekonomiya at mabigyan ng maayos na pamilihan ang mga residente, magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante sa South Upi.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, mahalagang bahagi rin ng kanilang peacebuilding advocacy ang pagpapatayo ng Wet Market dahil naniniwala silang ang pagkakaroon ng maayos na kabuhayan at ligtas na lugar para sa kalakalan ay nakatutulong sa pagpapatatag ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Idinisenyo rin ang bagong pamilihan bilang isang “safe space” kung saan maaaring magsagawa ng maayos at ligtas na komersyo ang mamamayan habang pinapalakas ang pagkakaisa at pagtutulungan sa lokal na komunidad.

Binigyang-diin ng pamahalaan na ang proyekto ay sumasalamin sa “Serbisyong May Puso,” na nakatuon sa pagpapabuti ng kabuhayan at kalidad ng buhay ng bawat pamilyang Maguindanaon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024537
Views Today : 10
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1040
Views Last 30 days : 3776
Views This Month : 763
Views This Year : 23342
Total views : 35477