𝐌𝐚𝐲 𝐋𝐢𝐦𝐢𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧: 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐢𝐦 𝐂𝐌’𝐬 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐑𝐞𝐦𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐈𝐪𝐛𝐚𝐥 𝐐𝐮𝐞𝐬𝐭𝐢𝐨𝐧𝐞𝐝𝐢𝐧 𝐋𝐞𝐠𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲

Umani ng matinding reaksyon ang usapin kaugnay sa posibleng pagtatanggal kay Mohagher Iqbal bilang Minister ng Ministry of Basic Higher and Technical Education matapos lumabas ang legal analysis na nagsasabing hindi basta-basta maaaring alisin sa pwesto ang isa sa pangunahing arkitekto ng Bangsamoro Peace Process.

Sa inilabas na “Amicus Pacis” ni Atty. Camilo Miguel M. Montesa, binigyang-diin na bagama’t may kapangyarihan ang Interim Chief Minister sa pag-oorganisa ng interim cabinet, hindi ito nangangahulugang maaaring tanggalin ang isang peace process leader nang walang malinaw na legal na basehan, due process, at konsultasyon sa mga implementing panels ng peace agreement.

Ayon sa legal opinion, si Mohagher Iqbal ay hindi ordinaryong opisyal lamang. Siya ay isa sa pangunahing negotiator at signatory ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro at matagal nang simbolo ng transition mula armadong pakikibaka tungo sa demokratikong pamamahala.

Binigyang-babala rin sa pagsusuri na ang anumang hakbang na makikitang politically motivated laban sa isang pangunahing lider ng MILF ay maaaring magdulot ng seryosong epekto sa tiwala, stability, at direksyon ng Bangsamoro peace process.

Iginiit pa ng legal analysis na hindi sapat ang isang preliminary audit findings lamang upang maging basehan ng agarang pagpapatalsik, lalo na kung walang malinaw na final determination, formal charges, at full due process.

Sa gitna ng lumalakas na usapin, maraming sektor ang nananawagan na igalang ang diwa ng CAB at Bangsamoro Organic Law, at iwasan ang anumang hakbang na maaaring magdulot ng panibagong tensyon sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024536
Views Today : 9
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1039
Views Last 30 days : 3775
Views This Month : 762
Views This Year : 23341
Total views : 35476