Matagumpay na naisagawa noong Mayo 18, 2026 ang isang malawakang medical mission at outreach activity sa Barangay Datal Pandan, Guindulungan, Maguindanao del Sur na naghatid ng libreng serbisyong medikal at tulong pang-edukasyon sa mga residente ng komunidad.
Sa pangunguna ng mga healthcare professionals at volunteers, nagkaroon ng libreng konsultasyon, pamamahagi ng gamot, at iba’t ibang serbisyong medikal upang matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan sa lugar.
Bukod sa medical services, namahagi rin ng 400 school bags, 400 school chairs, 400 pares ng tsinelas, at 400 sako ng bigas para sa mga estudyante at residente ng barangay bilang suporta sa edukasyon at kabuhayan ng komunidad.
Ayon sa mga organizers, layunin ng aktibidad na maihatid ang serbisyong may malasakit lalo na sa mga lugar na nangangailangan ng agarang tulong medikal at suporta mula sa pamahalaan at pribadong sektor.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga residente sa matagumpay na pagsasagawa ng medical mission at sa mga tulong na kanilang natanggap. Kinilala rin ng organizers ang suporta ni Provincial Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr. na naging malaking bahagi upang maisakatuparan ang nasabing humanitarian activity para sa mamamayan ng Maguindanao del Sur.









Views Today : 10
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1040
Views Last 30 days : 3776
Views This Month : 763
Views This Year : 23342
Total views : 35477
Leave a Reply