𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐈𝐆𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒𝐒𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍

Nagsagawa noong May 19, 2026 ng coordination meeting at assessment ang Provincial Government of Maguindanao del Sur sa mga Rural Health Units (RHUs) ng mga bayan ng Datu Anggal Midtimbang, Guindulungan, at Talayan bilang bahagi ng pagpapatibay sa mga programang pangkalusugan sa lalawigan.

Tinalakay sa aktibidad ang tatlong pangunahing prayoridad na programa kabilang ang Mental Health Program na naglalayong palakasin ang psychosocial support, mental health awareness, at referral systems sa mga komunidad.

Kasama rin sa isinulong ang MDS WASH Program na nakatuon sa pagpapabuti ng access sa ligtas na tubig, maayos na sanitasyon, at wastong hygiene practices upang maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan.

Binigyang-pansin din ang Teenage Pregnancy Program na naglalayong palawakin ang reproductive health education, maiwasan ang maagang pagbubuntis, at mabigyan ng life skills at tamang kaalaman ang mga kabataan.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, nakahanay ang mga programang ito sa H.E.A.R.T. roadmap ng Maguindanao del Sur na nagsisilbing gabay sa pagsusulong ng inklusibo at people-centered development sa lalawigan.

Pinangunahan ang coordination at assessment ng mga program focal persons mula sa Office of the Provincial Planning and Development Coordinator katuwang ang mga RHU staff at local health workers na nagbahagi ng kanilang karanasan, obserbasyon, at rekomendasyon upang mas mapalakas pa ang implementasyon ng mga programa.

Sa pamamagitan ng patuloy na koordinasyon at pagtutulungan, inaasahang higit pang mapapalawak ang mga serbisyong pangkalusugan at mapapalakas ang kaligtasan, kalusugan, at resiliency ng mga komunidad sa Maguindanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024522
Views Today : 284
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 1019
Views Last 30 days : 3755
Views This Month : 742
Views This Year : 23321
Total views : 35456