Nakiisa ang BARMM-Marawi Rehabilitation Program sa ceremonial groundbreaking ng 150-unit housing resettlement project na ipatutupad ng Ministry of Human Settlements and Development-BARMM bilang bahagi ng patuloy na rehabilitasyon at recovery efforts sa Marawi City.
Pinangunahan ang aktibidad noong Mayo 24, 2026 sa Barangay Kormatan-Matampay ni Zaide Ali kasama ang iba pang opisyal ng BARMM government at lokal na pamahalaan.
Ayon sa mga opisyal, layunin ng housing project na mabigyan ng permanenteng tirahan ang mga internally displaced families mula sa Most Affected Areas (MAA) na nawalan ng lupang matitirhan matapos ang 2017 Marawi Siege.
Binigyang-diin din ng mga lider ng BARMM na ang proyekto ay hindi lamang tungkol sa pagpapatayo ng mga bahay kundi simbolo rin ng bagong pag-asa, dignidad, at panibagong simula para sa mga pamilyang nagsisikap makabangon mula sa trahedyang naranasan sa Marawi.
Kabilang sa mga dumalo sa groundbreaking ceremony sina Aleem Ali Solaiman, Camid Gandamra Jr., at iba pang opisyal mula sa MHSD-BARMM, BARMM-MRP, at partner contractors ng proyekto.
Ayon sa BARMM government, sumasalamin ang naturang inisyatibo sa patuloy na pagtutulungan ng Bangsamoro Government at mga partner agencies upang matiyak na mabibigyan ng mas ligtas, matatag, at maayos na pamumuhay ang mga pamilyang naapektuhan ng Marawi conflict.







Views Today : 109
Views Yesterday : 59
Views Last 7 days : 816
Views Last 30 days : 3825
Views This Month : 3694
Views This Year : 30288
Total views : 42423
Leave a Reply