Nakatakdang magpatayo ang Pamahalaang Bayan ng Datu Odin Sinsuat ng mga makabago at modernong waiting sheds sa ilang strategic areas at pangunahing kalsada ng bayan bilang bahagi ng pagpapalakas ng kaligtasan at kaginhawaan ng mga mamamayan.
Layunin ng proyekto na mabigyan ng ligtas, maayos, at komportableng hintayan ang mga estudyante, commuters, at iba pang residente, lalo na sa panahon ng matinding init o malakas na pag-ulan.
Ayon kay Abdulmain ‘Baba’ Abas, mahalagang maramdaman ng mamamayan ang mga konkretong serbisyong inihahatid ng lokal na pamahalaan sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Aniya, hindi lamang simpleng silungan ang mga waiting shed na ito kundi bahagi ng mas malawak na layunin ng pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at residente habang naghihintay ng masasakyan o bumibiyahe.
Inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagpapabuti ng karanasan ng mga commuter at sa pagbibigay ng proteksiyon laban sa pabago-bagong lagay ng panahon.
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan bilang bahagi ng kampanya tungo sa “PagBABAgo” at mas inklusibong kaunlaran sa Datu Odin Sinsuat.https://bmpgabay.com/2026/06/02/𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎-𝐒𝐀-𝐃𝐎𝐒-𝐌𝐎/







Views Today : 258
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 993
Views Last 30 days : 3729
Views This Month : 716
Views This Year : 23295
Total views : 35430
Leave a Reply