Isang matagumpay at makabuluhang Medical Mission at Food Pack Distribution ang isinagawa sa Municipal Gymnasium ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng serbisyong panlipunan sa mga mamamayan.
Sa pamamagitan ng programa, nakatanggap ang mga residente ng libreng medical consultation, gamot, at food packs na naglalayong makatulong sa kanilang kalusugan at pang-araw-araw na pangangailangan.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga lokal at panlalawigang opisyal kabilang sina Mayor Bassir D. Utto, Vice Mayor Moadz Alim, Board Member Datu Sapak B. Midtimbang, at Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando na naghatid ng mga mensahe ng suporta at pag-asa sa komunidad.
Ayon sa mga organizer, ang programa ay bunga ng patuloy na malasakit at suporta ng Provincial Government of Maguindanao del Sur sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., na nagsusulong ng mga programang nakatuon sa kalusugan, kapakanan, at kagalingan ng bawat mamamayan.
Patuloy namang tiniyak ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapatuloy ng mga programang naglalapit ng serbisyong may puso sa mga komunidad sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.








Views Today : 131
Views Yesterday : 144
Views Last 7 days : 726
Views Last 30 days : 3574
Views This Month : 1479
Views This Year : 24058
Total views : 36193
Leave a Reply