𝐀𝐓𝐓𝐘. 𝐒𝐇𝐄𝐑𝐈𝐅𝐅 𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐍𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐋𝐈𝐍𝐈𝐒 𝐒𝐀 𝐁𝐑𝐈𝐆𝐀𝐃𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐓𝐀𝐁𝐀𝐓𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘

Bilang bahagi ng paghahanda para sa pagbubukas ng klase, nagsagawa ng suporta sa Brigada Eskwela 2026 si Atty. Sheriff Abas, dating chairman ng Commission on Elections (COMELEC) at kasalukuyang kandidato para sa kinatawan ng Unang Distrito ng Cotabato City sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections.

Sa isinagawang turnover, nagkaloob si Abas, kasama ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP), ng iba’t ibang kagamitang panglinis at school maintenance supplies para sa mga guro at boluntaryo ng Vilo Central Elementary School bilang bahagi ng taunang Brigada Eskwela.

Nagpahayag ng pasasalamat ang pamunuan ng paaralan at mga boluntaryo sa natanggap na tulong na gagamitin sa paglilinis at paghahanda ng mga silid-aralan bago magsimula ang bagong taon ng pag-aaral.

Ayon kay Abas, mahalagang suportahan ang sektor ng edukasyon at tiyaking may maayos at ligtas na kapaligiran ang mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik-eskwela. Ang edukasyon ay kabilang sa mga isyung nais niyang pagtuunan ng pansin sakaling mahalal bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Cotabato City sa Bangsamoro Parliament.

Si Atty. Sheriff Abas ay nagsilbing chairman ng COMELEC mula 2017 hanggang 2022 at kinikilalang unang Muslim at pinakabatang namuno sa naturang komisyon. Nitong Mayo 2026, naghain siya ng kanyang kandidatura para sa parliamentary seat ng Unang Distrito ng Cotabato City.

Ang Brigada Eskwela ay isang taunang programa ng Department of Education na naglalayong hikayatin ang pakikilahok ng komunidad sa paghahanda ng mga paaralan para sa pagbubukas ng klase.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

025036
Views Today : 131
Views Yesterday : 144
Views Last 7 days : 726
Views Last 30 days : 3574
Views This Month : 1479
Views This Year : 24058
Total views : 36193