Isang mahalagang hakbang tungo sa mas epektibong pagpaplano at paghahatid ng serbisyo publiko ang isinagawa sa Datu Odin Sinsuat matapos pormal na i-turn over ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Community-Based Monitoring System (CBMS) sa lokal na pamahalaan, na personal na tinanggap ni Mayor Abdulmain “Baba” Abas.
Ang CBMS ay naglalaman ng detalyado at napapanahong datos tungkol sa kalagayan ng mga kabahayan sa munisipyo at inaasahang magsisilbing pangunahing batayan sa pagbuo ng mga polisiya, programa, at proyektong nakatuon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.
Sa pamamagitan ng sistemang ito, inaasahang mas mapapahusay ng lokal na pamahalaan ang pagtukoy sa mga prayoridad na proyekto, wastong paggamit ng pondo, at pagpapatupad ng mga programang nakabatay sa konkretong datos. Layunin din nitong isulong ang mas inklusibo, mahusay, at responsableng pamamahala para sa patuloy na pag-unlad ng Datu Odin Sinsuat.







Views Today : 75
Views Yesterday : 144
Views Last 7 days : 670
Views Last 30 days : 3518
Views This Month : 1423
Views This Year : 24002
Total views : 36137
Leave a Reply