Nagpakita ng agarang aksyon ang lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat sa pangunguna ni Hon. Mayor Abdulmain “Baba” P. Abas matapos mamahagi ng food packs sa mga residenteng pansamantalang lumikas sa Barangay Badak bilang pag-iingat kasunod ng inilabas na tsunami warning.
Bukod sa pagkain, namahagi rin ng mga trapal na ipinagkaloob ng Office of Civil Defense–BAR upang makatulong sa pansamantalang matutuluyan at iba pang pangangailangan ng mga apektadong pamilya. Nakiisa sa relief distribution sina Hon. Councilor Bai Sophia Abas, Hon. Councilor Bai Sheng Druz Ali, Hon. Councilor Rahib Diocolano, Hon. Councilor Sorab Lumanggal, at Punong Barangay Datu Dodie Sinsuat.
Ipinakita ng mabilis na koordinasyon ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya ang kahalagahan ng maagap na pagtugon sa panahon ng banta ng kalamidad. Kasabay nito, muling nanawagan ang LGU-Datu Odin Sinsuat sa publiko na manatiling kalmado, maging mapagmatyag, at sundin ang mga opisyal na abiso ng mga kinauukulang awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.






Views Today : 70
Views Yesterday : 144
Views Last 7 days : 665
Views Last 30 days : 3513
Views This Month : 1418
Views This Year : 23997
Total views : 36132
Leave a Reply