Patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang suporta nito sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga punla ng Cardava banana sa mga magsasaka sa South Upi noong Hunyo 8, 2026.
Isinagawa ang distribusyon sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) bilang bahagi ng programang Give Heart Convergence, na naglalayong palawakin ang produksyon ng saging, pataasin ang ani ng mga magsasaka, at lumikha ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan sa lalawigan.
Ayon sa OPAG, ang pagbibigay ng de-kalidad na Cardava seeds ay bahagi ng pangmatagalang plano ng pamahalaang panlalawigan upang isulong ang makabagong at napapanatiling pagsasaka, mapalakas ang seguridad sa pagkain, at mapabuti ang kabuhayan ng mga pamilyang umaasa sa agrikultura.
Kasabay nito, hinikayat din ang mga benepisyaryong magsasaka na gamitin ang tamang pamamaraan sa pagtatanim at makiisa sa iba pang programang pang-agrikultura upang higit pang mapalago ang produksyon at mapaunlad ang kanilang komunidad.








Views Today : 78
Views Yesterday : 144
Views Last 7 days : 673
Views Last 30 days : 3521
Views This Month : 1426
Views This Year : 24005
Total views : 36140
Leave a Reply