DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO DEL NORTE – Bilang paghahanda sa pagbubukas ng panibagong school year, nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Datu Odin Sinsuat sa pangunguna ni Mayor Abdulmain “Baba” Abas ng Libreng Gupit Balik-Eskwela Program para sa mga mag-aaral sa bayan.
Layunin ng inisyatiba na matulungan ang mga estudyante na maging malinis, maayos, at handa sa kanilang pagbabalik sa silid-aralan, alinsunod sa mga pamantayan ng tamang grooming at disiplina sa paaralan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng mas malawak na programa ng LGU upang suportahan ang kapakanan ng mga kabataan at matiyak na magiging maayos ang kanilang pagsisimula sa bagong taong panuruan.
Binigyang-diin din ng LGU Datu Odin Sinsuat na nananatiling isa sa kanilang pangunahing prayoridad ang pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon at ang pagbibigay ng mga programang direktang nakatutulong sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga ganitong serbisyo, layunin ng pamahalaang lokal na mahubog ang isang henerasyong handa sa pag-aaral at sa pagbuo ng mas maunlad na kinabukasan.







Views Today : 45
Views Yesterday : 113
Views Last 7 days : 902
Views Last 30 days : 3653
Views This Month : 1932
Views This Year : 24511
Total views : 36646
Leave a Reply