Ibinahagi ni Prof. Manticayan sa kanyang Facebook post ang kanyang pagdalo sa Kanduli na inihanda ni dating Cotabato City Mayor Atty. Cynthia Guiani-Sayadi, kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagasuporta matapos ang isang programa na dinaluhan ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Manticayan, naging mahalaga ang naturang pagtitipon hindi lamang bilang pagkakataon upang makadaupang-palad ang iba’t ibang sektor ng komunidad kundi bilang daan din upang higit pang mapalalim ang pagkakaunawaan, pagkakapatiran, at pagkakaisa ng mga mamamayan.
Bilang isang Bangsamoro, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga ganitong pagtitipon sa pagsusulong ng bukas na diyalogo, pagtutulungan, at pagpapalakas ng kapayapaan sa lungsod at sa buong Bangsamoro.
Ipinahayag din niya ang kanyang kasiyahan sa aniya’y patuloy na suporta ni Guiani-Sayadi sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) at sa mga layunin ng Bangsamoro Peace Process na naglalayong makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
Dagdag pa niya, ikinatuwa rin niya ang ipinakitang suporta ng dating alkalde sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP), gayundin sa pagsusulong ng Moral Governance at Genuine Autonomy para sa Bangsamoro.
Nagpasalamat din si Manticayan sa mainit na pagtanggap at aniya’y pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa pagkakaisa, pag-uusap, at sama-samang paglilingkod para sa kapakanan ng mamamayang Bangsamoro.







Views Today : 27
Views Yesterday : 94
Views Last 7 days : 811
Views Last 30 days : 3744
Views This Month : 3345
Views This Year : 29939
Total views : 42074
Leave a Reply