𝐆𝐎𝐕. 𝐃𝐀𝐓𝐔 𝐀𝐋𝐈 𝐌𝐈𝐃𝐓𝐈𝐌𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐀𝐘𝐔𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐔𝐏𝐈

SOUTH UPI, MAGUINDANAO DEL SUR – Daan-daang residente ng Barangay Kigan ang nakinabang sa isinagawang Medical Mission at Distribution of Food Packs noong Hunyo 18, 2026, bilang bahagi ng patuloy na programang pangserbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur.

Sa inisyatiba ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., inilapit sa komunidad ang iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan at social assistance upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang libreng tuli, bunot ng ngipin, konsultasyon, gamot, reading eyeglasses, tsinelas, gupit, at feeding program para sa mga bata. Namahagi rin ng food packs sa mga pamilyang nangangailangan.

Ayon sa mga residente, malaking tulong ang naturang programa lalo na para sa mga pamilya na may limitadong access sa mga serbisyong medikal at iba pang pangunahing pangangailangan.

Patuloy namang isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga programang direktang nagdadala ng serbisyo sa mga barangay bilang bahagi ng layunin nitong mapalapit ang pamahalaan sa mamamayan at matiyak na walang maiiwang komunidad sa paghahatid ng serbisyo publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028781
Views Today : 14
Views Yesterday : 94
Views Last 7 days : 888
Views Last 30 days : 3836
Views This Month : 3332
Views This Year : 29926
Total views : 42061