𝐑𝐄𝐋𝐈𝐄𝐅 𝐆𝐎𝐎𝐃𝐒 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐌𝐒𝐒𝐃 𝐃𝐔𝐌𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎𝐒, 𝐓𝐔𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐈𝐊𝐓𝐈𝐌𝐀 𝐍𝐆 𝟕.𝟖 𝐌𝐀𝐆𝐍𝐈𝐓𝐔𝐃𝐄 𝐍𝐀 𝐋𝐈𝐍𝐃𝐎𝐋 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐕𝐀𝐎 𝐎𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋

Nakarating na sa General Santos City ang mga relief goods mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) na nakalaan para sa mga pamilyang naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol sa Brgy. Mabila, Sarangani, Davao Occidental.

Inaasahang ipamamahagi ngayong araw ang naturang humanitarian assistance na binubuo ng 500 sakong bigas, 500 dignity kits, 500 cooking kits, 500 trapal, 500 water kits, at 150 infant kits para sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.

Ayon sa MSSD, layunin ng agarang paghahatid ng tulong na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan habang patuloy ang kanilang pagbangon mula sa pinsalang dulot ng malakas na lindol.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang maayos at mabilis na distribusyon ng mga relief goods sa mga benepisyaryong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028771
Views Today : 92
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 872
Views Last 30 days : 3820
Views This Month : 3316
Views This Year : 29910
Total views : 42045