sang mahalagang hakbang para sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon ang naisakatuparan matapos pormal na lagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur para sa pagpapatupad ng mga proyektong pampaaralan at pagpapatayo ng mga bagong school buildings sa lalawigan.
Pinangunahan ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr. ang paglagda ng kasunduan kasama ang mga opisyal ng DepEd, kabilang sina Assistant Secretary Aurelio Paulo Bartolome at Director Jucio Jesus Abalos ng Office of the Secretary.
Layunin ng kasunduan na mapalawak ang access ng mga mag-aaral sa ligtas, maayos, at dekalidad na pasilidad pang-edukasyon, habang patuloy na tinutugunan ang pangangailangan ng mga paaralan sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.
Ayon sa mga opisyal, ang proyekto ay inaasahang magbibigay ng mas maayos na learning environment para sa mga mag-aaral at makatutulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa Maguindanao del Sur.
Binigyang-diin din na ang pagtutulungan ng DepEd at ng Pamahalaang Panlalawigan ay nagpapakita ng matibay na pangako ng dalawang institusyon na mamuhunan sa kinabukasan ng kabataan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng educational infrastructure.
Ang naturang kasunduan ay isa pang hakbang sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay-priyoridad sa edukasyon at kapakanan ng mga kabataang Maguindanaon








Views Today : 9
Views Yesterday : 94
Views Last 7 days : 883
Views Last 30 days : 3831
Views This Month : 3327
Views This Year : 29921
Total views : 42056
Leave a Reply