DATU SAUDI AMPATUAN, MAGUINDANAO DEL SUR – Muling pinagtibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang suporta nito sa kapayapaan at seguridad sa pamamagitan ng pakikilahok sa Presentation of Balik-Loob Program ng 90th Infantry Battalion na ginanap noong Hunyo 19, 2026 sa Headquarters ng 90IB sa Brgy. Kabengi.
Bahagi ito ng KASAMA sa PAGBABAGO TUNGO sa IISANG DAAN sa Kapayapaan (KAPATID SA KAPAYAPAAN), isang subprogram ng DATU ALI NG MDS Peace and Order Program, na naglalayong tulungan ang mga dating kasapi ng armadong grupo na makabalik sa mapayapang pamumuhay.
Sa naturang aktibidad, 15 dating miyembro ng isang lokal na teroristang grupo ang kusang-loob na sumuko at nagpahayag ng kanilang pagtalikod sa armadong pakikibaka kapalit ng pagkakataong makapagsimula muli sa kanilang buhay.
Bilang simbolo ng kanilang pagbabagong-buhay, isinuko rin ng mga surrenderers ang kanilang mga armas habang tumanggap ng humanitarian assistance at iba pang suporta para sa kanilang reintegration sa lipunan.
Kinatawan ni Mr. Roger D. Dionisio si Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr. sa ilalim ng direktiba ni Provincial Administrator Datu Nur-Ali U. Midtimbang. Dumalo rin sa programa sina LTC Loqui O. Marco, Commander ng 90IB; BGEN Edgar L. Catu, Commander ng 601st Infantry Brigade; PCOL Michael John C. Mangahis, Provincial Director ng Maguindanao del Sur PPO; at Mayor Datu Bassir “Banjo” Utto ng Datu Saudi Ampatuan, kasama ang iba pang partner agencies.
Ayon sa mga opisyal, ang programa ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan at security sector na itaguyod ang kapayapaan, pagkakasundo, at pangmatagalang kaunlaran sa mga komunidad ng Maguindanao del Sur.








Views Today : 92
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 872
Views Last 30 days : 3820
Views This Month : 3316
Views This Year : 29910
Total views : 42045
Leave a Reply