BONGAO, TAWI-TAWI – Agad na nakatanggap ng tulong mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) Bongao Unit Office ang 266 Returning Filipinos from Sabah (REFs) na dumating sa Bongao Seaport noong Hunyo 11, 2026.
Kabilang sa mga ipinagkaloob na serbisyo ang food assistance, profiling, at counseling upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga repatriates at matiyak ang kanilang maayos na pagproseso pagbalik sa bansa.
Sa kabuuan, 45 REFs ang pansamantalang nanatili sa isolation area sa Barangay Simandagit habang isinasagawa ang kinakailangang dokumentasyon at repatriation procedures. Sa bilang na ito, 10 ang nakabalik sa Jolo, Sulu, habang 35 naman ang itinurn over sa DSWD Zamboanga Office para sa karagdagang assistance at interventions.
Samantala, ang iba pang mga dumating na Returning Filipinos ay agad na sinalubong at nasundo ng kanilang mga pamilya.
Ayon sa MSSD, patuloy ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya upang matiyak ang maayos, ligtas, at makataong pagtanggap sa mga kababayang umuuwi mula sa Sabah.








Views Today : 90
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 870
Views Last 30 days : 3818
Views This Month : 3314
Views This Year : 29908
Total views : 42043
Leave a Reply