Pinangunahan ni Interim Chief Minister Abdulraof A. Macacua ang ika-82 Regular Cabinet Meeting ng Bangsamoro Government noong Hunyo 22, 2026 sa Bajau Hall ng Bangsamoro Government Center sa Cotabato City.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang pagsunod ng mga Bangsamoro Ministries, Offices, and Agencies (BMOAs) sa pagsusumite ng mga mandatory reports sa Ministry of Finance, Budget and Management (MFBM), gayundin ang mga hakbang ng pamahalaan kaugnay ng epekto ng krisis sa langis at mga kamakailang lindol sa Mindanao.
Sa naturang pagpupulong, nagkasundo si Macacua at ang mga miyembro ng gabinete na ipatupad ang Sections 70 at 72 ng General Appropriations Act of the Bangsamoro (GAAB) 2026 na naglalaman ng mga probisyon ukol sa pananagutan ng mga opisyal at kawani na lalabag sa mga patakaran sa budgeting, accounting, at paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Saklaw rin ng mga accountability measures ang mga kaso ng pagkaantala sa pagsusumite ng mga kinakailangang ulat, payroll documents, at iba pang financial requirements na mahalaga sa maayos na pagpapatakbo ng pamahalaan.








Views Today : 86
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 866
Views Last 30 days : 3814
Views This Month : 3310
Views This Year : 29904
Total views : 42039
Leave a Reply