Naging panauhing tagapagsalita si Prof. Hashim sa Baccalaureate Services 2026 ng Cotabato State University (CSU) na ginanap sa CSU Gymnasium bilang bahagi ng paghahanda ng mga nagsisipagtapos para sa kanilang graduation rites.
May temang “Cotabato State University as a Beacon of Transformation: Honoring Success, Shaping Lives Through LIGHTS,” hinikayat ni Prof. Hashim ang mga graduating students na gamitin ang kanilang natamong kaalaman bilang instrumento sa paglilingkod sa bayan, responsableng pamumuno, at pagsusulong ng positibong pagbabago sa lipunan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya na ang edukasyon ay isang amanah o pananagutang dapat gamitin hindi lamang para sa pansariling tagumpay kundi para rin sa kapakanan ng komunidad, ng Bangsamoro, at ng sambayanan.
Hinimok din niya ang CSU Batch 2026 na maging mga lider na may integridad, malasakit, at matatag na paninindigan, habang isinasabuhay ang mga pagpapahalagang may takot sa Allah ﷻ sa kanilang magiging propesyon at paglilingkod.
Ayon kay Prof. Hashim, ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa pagtatapos ng pag-aaral kundi sa kung paano magagamit ang edukasyon upang makapaglingkod, makapagbigay-inspirasyon, at makapag-ambag sa pagtatayo ng isang mapayapa, makatarungan, at maunlad na Bangsamoro.
Ang Baccalaureate Service ay bahagi ng tradisyunal na paghahanda ng mga magsisipagtapos bago ang kanilang commencement exercises, kung saan binibigyang-halaga ang espirituwal na pagninilay at pananagutan sa susunod na yugto ng kanilang buhay








Views Today : 109
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 871
Views Last 30 days : 3827
Views This Month : 3224
Views This Year : 29818
Total views : 41953
Leave a Reply