𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐁𝐀𝐁𝐀 𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐓𝐑𝐀 𝐈𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐃𝐑𝐎𝐆𝐀

Patuloy na pinalalakas ng Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat ang kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng matagumpay na pagsasagawa ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) para sa limang barangay noong Hunyo 25, 2026 sa Barangay Covered Court ng Badak.

Kabilang sa mga benepisyaryong barangay ang Tapian, Kusiong, Badak, Linek, at Mompong, na lumahok sa iba’t ibang aktibidad na naglalayong suportahan ang rehabilitasyon at muling pagbabalik ng mga Persons Who Used Drugs (PWUDs) sa komunidad.

Pinangunahan ang programa ni Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) Focal Person Bai Anizzah Mapandala, katuwang ang Integrated Provincial Health Office (IPHO)-Maguindanao, Rural Health Unit (RHU) ng Datu Odin Sinsuat, at Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station (DOS-MPS).

Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang CBDRP orientation, counseling sessions, health assessment, at drug testing bilang bahagi ng komprehensibong programang nakatuon sa paggaling, rehabilitasyon, at matagumpay na reintegrasyon ng mga benepisyaryo sa lipunan.

Ayon kay Bai Anizzah Mapandala, ang pagpapatupad ng CBDRP ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at drug-free na komunidad.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat sa pamumuno ni Mayor Abdulmain “Maungangen” Abas sa suporta ng mga opisyal ng limang barangay, kabilang sina Barangay Captain Datu Dodie Sinsuat, Barangay Captain Rasheen M. Sinsuat, Barangay Captain Joehari Sinsuat Adam, Barangay Captain Datu Jaffer Sheen Sinsuat Alhadj, at Barangay Captain Baiya Sinsuat-Taup, na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng programa.

Patuloy namang isinusulong ng LGU Datu Odin Sinsuat ang mga programang nakabatay sa komunidad upang higit pang mapalakas ang rehabilitasyon, maiwasan ang pagbalik sa paggamit ng ilegal na droga, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bawat barangay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028732
Views Today : 35
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 906
Views Last 30 days : 3862
Views This Month : 3259
Views This Year : 29853
Total views : 41988