𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝟐,𝟎𝟎𝟎 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐓𝐔 𝐇𝐎𝐅𝐅𝐄𝐑 𝐀𝐌𝐏𝐀𝐓𝐔𝐀𝐍 𝐍𝐀𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓

Mahigit 2,000 residente ng Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur ang nakinabang sa isinagawang Medical Mission ng Pamahalaang Panlalawigan noong Hunyo 25, 2026, bilang bahagi ng patuloy na programa upang mailapit ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.

Pinangunahan ang aktibidad ng Provincial Government of Maguindanao del Sur katuwang ang Give HEART Medical Team, na naghatid ng iba’t ibang libreng serbisyong medikal at humanitarian assistance para sa mga residente.

Kabilang sa mga ipinagkaloob na serbisyo ang medical at dental consultation, optical check-up, pamamahagi ng reading glasses, libreng tuli (circumcision), tooth extraction, libreng gupit, at libreng gamot para sa iba’t ibang karamdaman. Namahagi rin ang grupo ng rice packs, packed meals, at bottled water sa mga benepisyaryo.

Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, layunin ng programa na matiyak na ang mga serbisyong pangkalusugan ay naaabot maging ang mga komunidad na may limitadong akses sa medical services.

Sa ilalim ng pamumuno nina Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., Vice Governor Hisham S. Nando, at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu, patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay-priyoridad sa kalusugan at kapakanan ng bawat Maguindanaon.

Binigyang-diin ng mga organizer na ang ganitong mga inisyatiba ay bahagi ng layunin ng lalawigan na tiyaking walang maiiwan sa paghahatid ng dekalidad at inklusibong serbisyong pampubliko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028705
Views Today : 109
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 871
Views Last 30 days : 3827
Views This Month : 3224
Views This Year : 29818
Total views : 41953