Naghatid ng agarang tulong ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa 1,000 pamilyang Moro at Indigenous Peoples (IP) na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa General Santos City bilang bahagi ng patuloy nitong disaster response operations.
Upang matiyak ang maayos at mabilis na pamamahagi ng ayuda, isinagawa ng MSSD ang operasyon sa dalawang distribution sites.
Sa unang distribution site, 286 pamilya mula sa mga barangay ng Tinagakan, Batomelong, at Katangawan ang tumanggap ng relief assistance.
Samantala, 714 pamilya mula sa 15 barangay kabilang ang Bawing, Ligaya, Labangal, Buayan, Fatima, Conel, Apopong, Tambler, Sinawal, San Jose, Upper Labay, Olympog, Baluan, Calumpang, at Mabuhay ang nabigyan din ng tulong sa ikalawang distribution site.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng 25 kilong bigas, family food packs, at iba’t ibang non-food items tulad ng dignity kits, water kits, cooking kits, at trapal upang makatulong sa kanilang pansamantalang paninirahan at araw-araw na pangangailangan matapos ang kalamidad.
Ayon sa MSSD, bahagi ang operasyon ng pinaigting na disaster response program ng ahensya upang agad na maabot ang mga Bangsamoro at iba pang pamilyang naapektuhan ng kalamidad, kabilang ang mga naninirahan sa labas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Patuloy namang tiniyak ng MSSD ang kahandaan nitong maghatid ng agarang tulong at serbisyong makatao sa mga komunidad na nangangailangan sa panahon ng kalamidad at sakuna.







Views Today : 107
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 869
Views Last 30 days : 3825
Views This Month : 3222
Views This Year : 29816
Total views : 41951
Leave a Reply