𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐁𝐀𝐁𝐀 𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐉𝐎𝐈𝐍𝐓 𝐌𝐏𝐎𝐂 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐓𝐔 𝐎𝐃𝐈𝐍 𝐒𝐈𝐍𝐒𝐔𝐀𝐓

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte — Nagsagawa ng Joint Meeting ang Municipal Peace and Order Council (MPOC) at iba pang Local Special Bodies noong Hunyo 29, 2026 sa Coco View Convention Hall upang talakayin ang mga pangunahing usapin at programa na may kaugnayan sa kapayapaan, seguridad, kalusugan, edukasyon, disaster preparedness, at pangkalahatang kaunlaran ng bayan.

Pinangunahan ang pagpupulong nina Municipal Mayor Abdulmain “Baba” P. Abas at Municipal Vice Mayor Bobsteel Sinsuat, kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga miyembro ng lokal na konseho.

Nagbigay ng kani-kanilang ulat ang mga ahensya hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng peace and order, kampanya laban sa ilegal na droga, disaster preparedness, at iba pang mahahalagang programang ipinatutupad para sa kapakanan ng mga residente.

Sa pagtatapos ng pulong, nagkasundo ang mga kalahok sa mga hakbang na magpapalakas pa sa koordinasyon ng mga ahensya at nanawagan ng patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng sektor upang mapanatili ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na Datu Odin Sinsuat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028700
Views Today : 101
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 863
Views Last 30 days : 3819
Views This Month : 3216
Views This Year : 29810
Total views : 41945