𝐋𝐈𝐁𝐎-𝐋𝐈𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐀𝐋𝐔𝐍𝐆𝐔𝐈𝐀𝐍, 𝐍𝐀𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐆𝐈𝐕𝐄 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐅𝐎𝐎𝐃 𝐏𝐀𝐂𝐊 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍

Libo-libong residente ng Pagalungan ang nakinabang sa isinagawang Medical Mission at Distribution of Food Packs sa ilalim ng GIVE HEART Program, isang inisyatibang naglalayong ilapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan at tulong panlipunan sa mga komunidad.

Layunin ng programa na tiyaking walang residente ng Pagalungan ang maiiwan pagdating sa akses sa serbisyong medikal at agarang ayuda, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng serbisyong may malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur.

Pinangunahan ang programa sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., kasama sina Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu, na patuloy na sumusuporta sa pagpapalawak ng mga serbisyong panlipunan sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Naging posible rin ang matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad sa tulong ng mga doktor, nurses, barangay health workers (BHWs), volunteers, at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Pagalungan na nagbigay ng libreng konsultasyon, serbisyong medikal, at pamamahagi ng food packs sa mga benepisyaryo.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga residente sa programang kanilang natanggap, na ayon sa kanila ay malaking tulong sa kanilang kalusugan at pang-araw-araw na pangangailangan.

Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, ang GIVE HEART Program ay bahagi ng patuloy nitong layunin na maihatid ang mga pangunahing serbisyo sa bawat komunidad at maisulong ang isang mas malusog, mas ligtas, at mas maunlad na Maguindanao del Sur sa ilalim ng adbokasiyang “Serbisyong May Pagmamahal.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028690
Views Today : 86
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 848
Views Last 30 days : 3804
Views This Month : 3201
Views This Year : 29795
Total views : 41930