‘𝐇𝐔𝐖𝐀𝐆 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐖𝐀𝐋𝐀’ — 𝐌𝐈𝐋𝐅 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐅𝐀𝐊𝐄 𝐍𝐄𝐖𝐒 𝐀𝐓 𝐃𝐈𝐒𝐈𝐍𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

Naglabas ng paglilinaw ang Moro Islamic Liberation Front (M!LF) kaugnay ng mga pahayag at social media posts na kumakalat online, kabilang ang isang post na nananawagan umano sa ilang mga ulama, gaya nina Ustadz Kawilan at Ustadz Gumander, na itigil ang umano’y mga hakbang na naghahati sa komunidad at sa halip ay magkaisa.

Ayon sa MILF, hindi opisyal na pahayag ng organisasyon ang naturang post at hindi ito sumasalamin sa opisyal nitong posisyon.

Sa inilabas na mensahe, hinimok ni M!LF Central Committee Chairman Al Haj Murad Ebrahim ang publiko na maging mapanuri at tiyaking nagmumula lamang sa mga opisyal at mapagkakatiwalaang sanggunian ang anumang impormasyong kanilang pinaniniwalaan at ibinabahagi.

Binigyang-diin din ng M!LF na mali ang mga kumakalat na pahayag at hindi ito awtorisadong inilabas ng organisasyon.

Kasabay nito, nagpaalala ang M!LF sa mga netizen na maging maingat laban sa paglaganap ng disinformation at fake news sa social media. Hinikayat din nito ang publiko na umasa lamang sa mga opisyal na communication channels ng M!LF at sa mga mapagkakatiwalaang news sources para sa tumpak at beripikadong impormasyon.

Sa pagtatapos ng pahayag, muling iginiit ng M!LF ang paninindigan nito sa pagsusulong ng transparency, kapayapaan, at responsableng pagbabahagi ng impormasyon, kasabay ng panalanging gabayan nawa ng Allah (SWT) ang lahat sa pagtataguyod ng katotohanan, karunungan, at integridad sa pagpapalaganap ng balita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028690
Views Today : 86
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 848
Views Last 30 days : 3804
Views This Month : 3201
Views This Year : 29795
Total views : 41930