COTABATO CITY — Libo-libong residente ang nakiisa sa isinagawang Community Outreach Program na may temang “Ayuda na deretso sa tao, walang pinipili, hanggang 2031” na pinangunahan ni Former COMELEC Chairman Atty. Sheriff Abas, pambato ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) para sa Unang Distrito ng Cotabato City sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14, 2026.
Sa kanyang Facebook post, nagpasalamat si Atty. Abas sa mga residente ng Rosary Heights 1 (PC Hill) sa pangunguna nina Kapitan April Morales at Former Kapitan Emberga, gayundin sa mga barangay leaders, TGP, mga UBJP supporters, at kay Councilor Aik Edzla sa matagumpay na pagsasagawa ng programa.
Ayon kay Atty. Abas, layunin ng outreach program na mailapit ang mga serbisyo at ayuda sa mamamayan nang walang kinikilingan, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya sa paglilingkod sa publiko.







Views Today : 122
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 874
Views Last 30 days : 4439
Views This Month : 3092
Views This Year : 29686
Total views : 41821
Leave a Reply