Patuloy ang konstruksyon ng kauna-unahang Learning Hub Building sa bayan ng Shariff Saidona Mustapha, isang proyektong naglalayong palawakin ang access sa edukasyon at magsilbing sentro ng peacebuilding initiatives sa komunidad.
Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur, ang proyekto ay bahagi ng malawakang programa sa pagtatayo ng mga training centers at iba pang mahahalagang imprastraktura sa iba’t ibang munisipalidad sa ilalim ng pamumuno nina Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., Vice Governor Hisham S. Nando, at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu.
Inaasahang magsisilbing ligtas na espasyo ang Learning Hub para sa mga mag-aaral at residente, kung saan maisusulong ang pagkatuto, pagkakaisa, at mga programang nagtataguyod ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.
Ayon sa Provincial Government, ang proyekto ay sumasalamin sa layunin nitong palakasin ang edukasyon at magtayo ng mga pasilidad na makatutulong sa paghubog ng mas matatag at mapayapang pamayanan sa Maguindanao del Sur.








Views Today : 70
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 843
Views Last 30 days : 4412
Views This Month : 2948
Views This Year : 29542
Total views : 41677
Leave a Reply