𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐁𝐀𝐁𝐀 𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐁.𝐀.𝐁.𝐀. 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐓𝐔 𝐎𝐃𝐈𝐍 𝐒𝐈𝐍𝐒𝐔𝐀𝐓

Sa kabila ng tuloy-tuloy na pag-ulan, muling inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat ang Project B.A.B.A. (Bridging Access to Basic Assistance) sa Barangay Labungan noong Hulyo 22, 2026, upang mailapit ang iba’t ibang pangunahing serbisyo sa mga residente.

Pinangunahan ni Mayor Abdulmain “BABA” Abas ang programa na naghatid ng komprehensibong serbisyo sa komunidad, kabilang ang livelihood assistance, farm inputs, medical consultation at libreng gamot, dignity at hygiene kits, libreng gupit, birth registration, business permit consultation, feeding program, pamamahagi ng school supplies at food packs, at libreng ID para sa mga senior citizen, persons with disabilities (PWD), at solo parents.

Nagsagawa rin ng mga orientation para sa Alternative Learning System (ALS), returning students, at Real Property Tax bilang bahagi ng pagpapalawak ng access ng mga mamamayan sa mga serbisyo ng pamahalaan.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kabilang sina Sangguniang Bayan Members Sorab Lumanggal at Rahib Dicolano, IPMR Jomar Timpadan, 1LT Karlou Gil M. Gomez ng 14th Mechanized Infantry Company, at mga opisyal ng Barangay Labungan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, magpapatuloy ang Project B.A.B.A. sa iba pang barangay bilang bahagi ng layunin nitong ilapit ang mga pangunahing serbisyo sa bawat mamamayan ng Datu Odin Sinsuat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028735
Views Today : 40
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 911
Views Last 30 days : 3867
Views This Month : 3264
Views This Year : 29858
Total views : 41993