Nagtipon ang mga pangunahing katuwang ng ALSβAl-QARI Education Program sa isinagawang 7th Local School Board (LSB) Meeting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur noong Hulyo 21, 2026, sa Kapamagayun Hall, Provincial Capitol.
Dinaluhan ang pulong ng Division Alternative Learning System (ALS) Coordinator Alimudin Antoling, mga District ALS Coordinators (DALSCs), at mga kinatawan mula sa UNICEF at ChildFund, upang talakayin ang mga susunod na hakbang sa pagpapatupad ng programa.
Pinangunahan ang pagpupulong nina Engr. Nulfarid S. Ampatuan at Schools Division Superintendent Dr. Alma M. Abdula-Nor ng MBHTE Maguindanao del Sur. Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang mga update sa ALSβAl-QARI Education Program, mga hamon sa implementasyon, resulta ng 2025β2026 Accreditation and Equivalency (A&E) Examination, at pagkilala sa mga kwalipikadong mag-aaral ng Markadz-ALS.
Binigyang-diin ni Dr. Abdula-Nor ang kahalagahan ng ALSβAl-QARI sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makamit ang parehong pormal at Islamikong edukasyon. Aniya, ang balanseng pagkatuto ay mahalagang pundasyon sa paghubog ng mga responsableng, produktibo, at may mabuting pagpapahalagang mamamayan.









Views Today : 121
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 873
Views Last 30 days : 4438
Views This Month : 3091
Views This Year : 29685
Total views : 41820
Leave a Reply