Naglaan ng kabuuang ₱1.5 milyong hospital assistance si Member of Parliament Atty. Sha Elijah B. Dumama-Alba sa dalawang pangunahing pagamutan sa Cotabato City bilang bahagi ng pagpapalakas ng access sa serbisyong pangkalusugan para sa mga Bangsamoro.
Sa ginanap na ceremonial turnover at signing para sa Ministry of Health (MOH) Tulong Medical Assistance Program o BHOPE Program, ipinagkaloob ng tanggapan ni MP Dumama-Alba, sa pamamagitan ng kanyang Transitional Development Impact Fund (TDIF), ang ₱1 milyon sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC) at ₱500,000 sa Cotabato Puericulture Center and General Hospital (CPCGH).
Layunin ng pondong ito na makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang serbisyong medikal at mabawasan ang pinansyal na pasanin ng mga pamilyang humaharap sa iba’t ibang karamdaman.
Nakiisa rin sa unified MOA signing, awarding, at turnover ceremony ang iba pang Members of Parliament na naglaan din ng suporta para sa mga health facilities sa pakikipagtulungan ng Ministry of Health.
Ayon kay MP Dumama-Alba, mahalagang patuloy na palakasin ang suporta sa mga ospital upang mas maraming Bangsamoro ang magkaroon ng access sa dekalidad at maagap na serbisyong pangkalusugan.







Views Today : 127
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 879
Views Last 30 days : 4444
Views This Month : 3097
Views This Year : 29691
Total views : 41826
Leave a Reply