Mahigit 1,200 kabataan ang nakiisa sa UBJP Youth Voters’ Education na isinagawa noong Hulyo 20, 2026 sa Tawi-Tawi, bilang bahagi ng paghahanda para sa kauna-unahang regular na BARMM Parliamentary Elections.
Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman ng mga kabataang Bangsamoro hinggil sa parliamentary electoral system, hikayatin ang aktibong pakikilahok sa demokratikong proseso, at palakasin ang kanilang papel sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa, at mabuting pamamahala sa rehiyon.
Binigyang-diin din sa aktibidad ang kahalagahan ng responsableng pagboto at ang papel ng kabataan sa paghubog ng isang makatarungan, mapayapa, at maunlad na Bangsamoro na nakabatay sa mga prinsipyo ng Moral Governance, pagkakaisa, at servant leadership.
Ayon sa mga organizer, ang malawak na partisipasyon ng mga kabataan ay nagpapakita ng lumalaking interes ng bagong henerasyon na maging mulat at aktibong kabahagi sa kinabukasan ng Bangsamoro.







Views Today : 122
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 874
Views Last 30 days : 4439
Views This Month : 3092
Views This Year : 29686
Total views : 41821
Leave a Reply