Mahigit 1,200 kabataang Bangsamoro ang dumalo sa UBJP Youth Voters’ Education and Forum na isinagawa noong Hulyo 20, 2026 sa Tawi-Tawi bilang bahagi ng paghahanda para sa kauna-unahang regular na BARMM Parliamentary Elections.
Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa parliamentary electoral system at hikayatin silang maging aktibo at responsableng kalahok sa makasaysayang halalan sa Bangsamoro.
Sa naturang forum, ibinahagi ni Al-Haafidh Sulffy Abbas, nominado ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) para sa sektor ng Kabataan, ang kanyang mga pangunahing adbokasiya at mga panukalang lehislatibo na nakatuon sa pagpapalakas ng partisipasyon at kapakanan ng kabataang Bangsamoro.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng isang kabataang may sapat na kaalaman, matatag na paninindigan, at aktibong pakikilahok sa demokratikong proseso bilang mahalagang katuwang sa pagsusulong ng Moral Governance at pangmatagalang kaunlaran sa rehiyon.
Ayon sa UBJP, magpapatuloy ang voters’ education campaign sa iba’t ibang lalawigan ng BARMM upang higit pang mapalakas ang political awareness at mahikayat ang mga rehistradong botante na maging responsable sa paggamit ng kanilang karapatang bumoto.









Views Today : 61
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 841
Views Last 30 days : 3789
Views This Month : 3285
Views This Year : 29879
Total views : 42014
Leave a Reply