Tinatayang 4,000 residente ng Barangay Rosary Heights 7 ang nakiisa sa 2-Day Community Outreach Program na pinangunahan ni dating COMELEC Chairman at UBJP parliamentary candidate Atty. Sheriff Abas, na naghatid ng iba’t ibang programa at direktang tulong sa komunidad.
Isa sa mga tampok sa programa ang cash raffle, kung saan 10 residente ang nanalo ng ₱500 bawat isa at isang masuwerteng kalahok ang nag-uwi ng ₱5,000. Namahagi rin ng 5-kilong high-grade rice subsidy sa lahat ng dumalo, na direktang ipinamahagi sa mga benepisyaryo.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Atty. Abas sa mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Barangay Chairman Datu Kagi Sema, gayundin kina City Councilor Aik Edzla, mga miyembro ng Sangguniang Barangay, mga UBJP volunteers, at sa libu-libong residenteng nakiisa sa programa.
Ayon sa mga organizer, ang malaking bilang ng mga dumalo ay nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng komunidad sa mga programang inilalapit sa mga mamamayan.









Views Today : 53
Views Yesterday : 138
Views Last 7 days : 857
Views Last 30 days : 3757
Views This Month : 3579
Views This Year : 30173
Total views : 42308
Leave a Reply