𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝟗,𝟎𝟎𝟎 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐓𝐀𝐁𝐀𝐓𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐏𝐄𝐍𝐒𝐈𝐎𝐍

Umabot sa 9,252 indigent senior citizens mula sa iba’t ibang barangay ng Cotabato City ang nakatanggap ng social pension sa ilalim ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SPISC) ng Ministry of Social Services and Development (MSSD).

Isinagawa ang payout mula Hulyo 14 hanggang 20, 2026 sa pamamagitan ng site at house-to-house distribution, katuwang ang Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO), upang matiyak na maging ang mga nakatatandang hindi kayang magtungo sa payout sites ay mabigyan ng kanilang benepisyo.

Sa ilalim ng programa, bawat kwalipikadong benepisyaryo ay tumatanggap ng ₱1,000 buwanang social pension bilang karagdagang suporta sa kanilang pangunahing pangangailangan, kabilang ang pagkain, gamot, at iba pang mahahalagang gastusin.

Ayon sa MSSD, layunin ng programa na mapabuti ang kapakanan at kalidad ng buhay ng mga indigent senior citizens sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagbibigay ng pinansyal na ayuda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028950
Views Today : 51
Views Yesterday : 138
Views Last 7 days : 855
Views Last 30 days : 3755
Views This Month : 3577
Views This Year : 30171
Total views : 42306