Muling pinagtibay ni Bangsamoro leader Al Haj Murad Ebrahim ang kanyang suporta sa kauna-unahang regular na Bangsamoro Parliamentary Elections sa isang international press conference sa Istanbul, Türkiye, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng nalalapit na halalan sa pagpapatuloy ng Bangsamoro peace process.
Sa kanyang pahayag, inilarawan ni Murad ang Setyembre 14, 2026 na halalan bilang isang makasaysayang yugto para sa Bangsamoro, sapagkat sa unang pagkakataon ay ang mismong mga mamamayang Bangsamoro ang pipili ng kanilang mga kinatawan sa Bangsamoro Parliament.
“As we prepare for the first regular BARMM Parliamentary Election on September 14, 2026, we recognize that this is a historic moment for the Bangsamoro people. It will be the first time that the members of the Bangsamoro Parliament will be chosen by the Bangsamoro people,” ani Murad.
Bahagi ang press conference ng mga talakayan hinggil sa Bangsamoro peace process at sa patuloy na political transition ng rehiyon. Naging sentro rin ito ng atensyon ng international media na sumusubaybay sa pag-unlad ng self-governance at demokratikong institusyon sa Bangsamoro.








Views Today : 51
Views Yesterday : 138
Views Last 7 days : 855
Views Last 30 days : 3755
Views This Month : 3577
Views This Year : 30171
Total views : 42306
Leave a Reply