Binigyang-diin ni Bangsamoro Youth Commission (BYC) Chairperson Nasserudin D. Dunding ang mahalagang papel ng kabataang lider sa pagsusulong ng moral governance, demokratikong partisipasyon, at people-centered leadership sa kanyang lecture sa ikalawang araw ng 2026 Bangsamoro Youth Parliament na ginanap sa KDT Manor Hotel sa Cotabato City.
Sa kanyang talakayan tungkol sa Leadership Development, hinikayat ni Dunding ang mga Young Member Parliamentarians (YMPs) na maging mga lider na may integridad, pananagutan, at tunay na malasakit sa paglilingkod sa mamamayan.
Aniya, mahalagang maging handa ang kabataan na magsulong ng mga reporma sa mga institusyon, hamunin ang mga umiiral na hamon, at bumuo ng mga polisiyang tumutugon sa tunay na pangangailangan at adhikain ng mga komunidad ng Bangsamoro.
Ang Ika-4 na Bangsamoro Youth Parliament ay pinangungunahan ng Bangsamoro Government sa pamamagitan ng Bangsamoro Youth Commission, katuwang ang Office of Member of Parliament Abrar A. Hataman, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang kakayahan at partisipasyon ng kabataang Bangsamoro sa pamamahala.








Views Today : 74
Views Yesterday : 61
Views Last 7 days : 538
Views Last 30 days : 2190
Views This Month : 873
Views This Year : 34216
Total views : 46351
Leave a Reply