𝐏𝐑𝐎𝐒𝐓𝐇𝐄𝐓𝐈𝐂𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐈𝐁𝐈𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐖𝐃 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑

Isinagawa ng Provincial Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang assessment para sa paglalapat ng prosthetics sa mga persons with disabilities (PWDs) mula sa iba’t ibang munisipyo ng Maguindanao del Sur noong Hulyo 29, 2026 sa Kapamagayun Hall, Provincial Capitol sa Buluan.

Pinangunahan ang aktibidad ni PDAO Focal Person Abdul-Rauf Lumabao, katuwang ang Orthofit Team na binubuo nina Darwin Ramos, Gerom Reyes, at Richard Guarde, upang suriin at sukatin ang mga benepisyaryong nangangailangan ng prosthetic limbs.

Sa isinagawang assessment, ibinahagi ng mga aplikante ang kanilang mga karanasan at hamon sa buhay, na nagsilbing inspirasyon sa lahat ng dumalo. Ipinakita rin ng kanilang mga kuwento na ang kapansanan ay hindi hadlang upang makamit ang mga pangarap at maging produktibong bahagi ng lipunan.

Nagbigay rin ng orientation si Darwin Ramos, pinuno ng Orthofit Team, hinggil sa tamang paggamit, pangangalaga, at maintenance ng prosthetics, gayundin ang mga susunod na hakbang bago tuluyang maipagkaloob ang mga ito sa mga benepisyaryo.

Samantala, tiniyak ni Abdul-Rauf Lumabao na patuloy ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa mga persons with disabilities sa pamamagitan ng mga programang magpapabuti sa kanilang kalidad ng buhay, magpapalawak ng kanilang kakayahang makakilos nang malaya, at magbibigay ng mas maraming pagkakataon upang maging aktibong kabahagi sa pag-unlad ng kanilang mga komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

032359
Views Today : 3
Views Yesterday : 142
Views Last 7 days : 633
Views Last 30 days : 2275
Views This Month : 1019
Views This Year : 34362
Total views : 46497