Patuloy ang paghahatid ng agarang tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha, kung saan 645 pamilya sa bayan ng Paglas ang nakatanggap ng relief goods at food packs ngayong Hulyo 29, 2026.
Ang relief operation ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno nina Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., Vice Governor Hisham S. Nando, at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu, sa pangunguna ng Provincial Government Office (PGO) at Provincial General Services Office (PGSO), katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region XII.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang Hulyo ay nagdulot ng matinding pinsala sa maraming komunidad sa Maguindanao del Sur dahil sa malawakang pagbaha, dahilan upang paigtingin ang relief operations upang maabot ang mga pamilyang nangangailangan ng agarang ayuda.
Sa ilalim ng programang “Serbisyong May Puso”, patuloy na inihahatid ng provincial government ang tulong at pag-asa sa mga residenteng apektado ng kalamidad. Layunin nitong matiyak na walang pamilyang maiiwan habang sama-samang isinusulong ang pagbangon ng mga komunidad mula sa epekto ng pagbaha.








Views Today : 74
Views Yesterday : 61
Views Last 7 days : 538
Views Last 30 days : 2190
Views This Month : 873
Views This Year : 34216
Total views : 46351
Leave a Reply