𝐃𝐀𝐀𝐍-𝐃𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐕𝐈𝐂𝐓𝐈𝐌𝐒 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐃𝐀𝐆 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐀𝐘𝐔𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐆𝐈𝐕𝐄 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐑𝐄𝐋𝐈𝐄𝐅 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒

Dumagsa ang daan-daang residente ng bayan ng Pandag upang tumanggap ng relief goods at hot meals mula sa Give Heart Relief Operations na isinagawa ngayong Hulyo 29, 2026, bilang tugon sa matinding pagbaha na nakaapekto sa kanilang komunidad.

Ang relief operations ay inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa pamumuno ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., kung saan nanguna sa pagpapatupad ang Provincial Government Office (PGO) at Provincial General Services Office (PGSO), katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Give Heart Team, at ang Lokal na Pamahalaan ng Pandag.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga ahensya at ng LGU, matagumpay na naipamahagi ang mga kinakailangang pagkain at iba pang ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad upang maibsan ang kanilang nararanasang hirap.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, magpapatuloy ang pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa disaster preparedness at climate resilience sa ilalim ng pamumuno nina Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., Vice Governor Hisham S. Nando, at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

032248
Views Today : 74
Views Yesterday : 61
Views Last 7 days : 538
Views Last 30 days : 2190
Views This Month : 873
Views This Year : 34216
Total views : 46351